TUGUEGARAO CITY- Binawi na ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao ang kanilang kahilingan sa Regional Inter-Agency Task Force na magpatupad ng total lockdown o ” no movement day” sa araw ng Linggo.

Sinabi ni Atty. Jonanette Siriban, infomation officer na hindi inaprubahan ng RIATF ang kahilingan ni Mayor Jefferson Soriano sa kanilang pulong kahapon.

Ayon sa kanya, ipinaliwanag ng RIATF na walang kasing nakalagay sa omnibus guidelines ng National IATF na nagbibigay ng otorisasyon sa isang local chief executive na magpatupad ng total lockdown.

Idinagdag pa ni Siriban na ang isa ring dahilan ng pagbasura na sa nasabing plano ay bilang tugon sa concerns ng mga business owners, Philipppine Chamber of Commerce and Industry at Filipio-Chinese Commerce Industry.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, sinabi ni Siriban na may mga business owners ang nagsabi na boluntaryo nilang isasara pansamantala ang kanilang mga establishments simula bukas na ipinagpapasalamat ng malaki ni Mayor Soriano.

Kasabay nito, sinabi ni Siriban na bagamat hindi na ipatutupad ang total lockdown, itutuloy pa rin ang mandatory citywide disinfection sa August 29 at 30 na walang pasok dahil ang Lunes ay holiday o National Heroe’s Day.

Ang disinfection ang layunin sana ng planong total lockdown sa Tuguegarao City na layuning mapababa na ang kaso ng covid-19.