TUGUEGARAO CITY- Tinutugunan na umano ng Department of Education Region 2 ang kakulangan ng mga libro sa mga paaralan.

Sinabi ni Amir Aquino, Information Officer ng DepEd Region 2 na agad siyang nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng Santa Teresita at sa mismong head ng paaralan sa Santa Teresa Elementary School nang makarating sa kanya ang reklamo ng isang magulang na kulang ang libro ng kanyang anak.

Ayon sa kanya, sinabi ng mga opisyal ng nasabing paaralan na totoong kulang ang kanilang mga libro at may mga libro din na nasira nang manalasa ang bagong “Ompong” nitong 2018.

Dahil dito, sinabi ni Aquino na ipinapaalam naman nila ang mga ganitong problema sa DepEd Central Office kung saan ay sinisikap na matugunan ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Aquino na habang wala pa ang mga libro ay may ginagawa naman ang mga guro upang maibigay pa rin ang dekalidad na pagtuturo sa kanilang mga estudyante.

Ayon sa kanya, nagbibigay ng work at activity sheets at iba pang instructional materials ang mga guro sa kanilang mga estudyante.

ang tinig ni Aquino

Kaugnay nito, nilinaw ni Aquino na hindi dahil may reklamo kaya sila kumikilos sa nasabing problema.

Ayon sa kanya, matagal nang mandato ng DepEd na tiyakin na matutugunan ang mga kakulangan sa mga libro at iba pang problema sa lahat ng mga paaralan sa ilalim ng kanilang Regional Education Development Plan.

muli si Aquino