Nagbigay si dating Governor Maguindanao del Sur Gov. Esmail Mangudadatu ng kalabaw sa isang babaeng magsasaka bilang kapalit ng namatay niyang hayop matapos na tamaan ng bumagsak na aircraft noong Feb. 6.
Matatandaan na bumagsak ang Beechcraft King Air 300 sa palayan sa Barangay Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur, kung saan namatay ang isang Marine sergeant at tatlong defense contractors sa nasa routine mission na suporta sa US-Philippine security cooperation activities.
Namatay ang kalabaw ni Bainola Akang ilang oras matapos na tamaan ng eroplano ang kanyang nguso.
Sinabi ni civil society leader Abdulbasit “Bobby” Benito, para kay Ginang Akang, ang kalabaw ay hindi lang isang hayop, sa halip ay katulong nila sa kanilang paghahanap-buhay.
Unang umapela si Akang na palitan ang namatay niyang kalabaw subalit wala umanong nakinig.
Nang malaman ni Mangudadatu ang sitwasyon, binigyan niya ng babaeng kalabaw ang ginang.