Tuguegarao City- Kailangang siguruhin ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at iba pang school personnel sa oras na umpisahan ang face-to-face learning sa mga low risk areas ng COVID-19.
Ito ang naging reaksyon ni Cong. France Castro ng Alliance Concerned Teachers matapos aprubahan ni pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi sa pagbubukas ng pasukan.
Sinabi ni Castro na isa itong paraan ng pag-amin ng kagawaran na hindi sapat ang blended learning upang tugunan ang kapasidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral.
Inihalimbawa nito ang mga lugar na may mahinang internet connectivity at mahirap puntahan tulad ng mga isla.
Ayon sa kanya, sakaling ipatupad ang face-to-face learning sa mga COVID-19 low risk areas ay kailangang ikonsidera ang pagkakaroon ng sapat na pasilidad tulad ng school clinic, washing areas, palikuran at iba pa.
Bahagi pa aniya nito ay dapat isailalim sa comprehensive check ang mga guro lalo na ang mga may edad na para sa kanilang preconditioning.
Iminungkahi pa ni Castro na dapat magtalaga ng mga healthcare workers na mangangalaga sa kondisyon ng mga school personnel at ng mga mag-aaral laban pa rin sa virus na dulot ng COVID-19.
Gayonpaman ay sinabi nito na ni Castro na anuman ang magiging hakbang ng pamahalaan ay pangunahing dapat na ikonsidera ang kaligtasan at kalidad ng edukasyong dapat maibigay sa mga mag-aaral.