Nanawagan ang Kalinga-Apayao Electric Cooperative (KAELCO)sa mga konsumer na may utang na magbayad na ng kanilang mga arrears upang mapabuti ang serbisyo ng kooperatiba.

Ito ay matapos makapagtala ang nasabing kooperatiba ng mahigit P241 milyon na hindi pa nababayarang bayarin hanggang sa buwan ng Hunyo taong kasalukuyan.

Ayon kay Izaac Baliang, Pangulo ng KAELCO Board of Directors, Malaki pa ang hindi pa nakokplektang bayarin na nakakaapekto sa kakayahan ng kooperatiba na magbigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga miyembrong konsumer.

Ibinahagi ni Baliang na may mga proyekto at gawain na hindi pa naisasakatuparan ng kooperatiba, gaya ng relokasyon ng Pinukpuk undervoltage substation, dahil sa mga problemang pinansyal.

Dagdag pa niya na kahit sana makakolekta sila Ng P50 milyon ay sapat na upang makabili Ng mga kakailanganing materyales at marami pa sanang mga electrification na mapupuntahan upang mapabuti pa Ang serbisyu Ng kaelco

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa tala ng KAELCO, nasa mahigit P121 milyon na ang hindi nababayarang bayarin sa Lungsod ng Tabuk, habang mahigit P23 milyon naman sa Rizal, P20,985,827 sa Pinukpuk, P9,900,117 sa Lubuagan, P32,360,763 sa Conner, P24,333,950 sa Kabugao, at P9,584,014 sa Tinglayan.

Sinabi pa ni Baliang na dahil sa pagdami ng mga arrears ipatutupad nila nang mahigpit ang polisiya ng kooperatiba, lalo na sa disconnection, upang mapilitang magbyad sa kanilang mga bills dahil mahaba na ang naibigay na palugit upang ma-settle ang kanilang mga bayarin.

Ang KAELCO ay nagseserbisyo sa 62,000 miyembrong konsumer sa Kalinga at bahagi ng Apayao, ay dating problemadong kooperatiba ng kuryente sa loob ng maraming taon ngunit kamakailan lang ay na-kategorize bilang isang mega-large electric cooperative o AA dahil sa pagtugon sa mga pamantayan ng National Electrification Administration.

Aniya ngayong nasa kategoryang AA na ang kooperatiba, sinabi ni KAELCO General Manager Elvie Joven na pinag-aaralan nila ang kanilang aplikasyon para sa pagbabago ng rate kung aprubahan ito Ng Energy Regulatory Commission, na sa kalaunan ay magpapababa ng rate para sa mga konsumer.

Kasabay nito, bumubuo rin ang KAELCO ng sistema kung saan ang mga miyembrong konsumer ay maaaring gumawa ng account at tingnan ang status ng kanilang mga bayarin sa online.