TUGUEGARAO CITY- Tuloy ang Bodong Festival sa Silver Anniversary Celebration ng Kalinga sa February 13-14 sa gitna ng banta ng novel coronavirus.

Sinabi ni Dionica Alyssa Mercado, information officer ng provincial government ng Kalinga na may inilatag sila na contingency measures upang matiyak na walang makakapasok na may nCov sa pagdiriwang.

Aniya, mamimigay sila ng mga face mask at alcohol sa mga public places bago ang festival.

Idinagdag pa niya, una pa man ay minomonitor na rin ang mga pumapasok na mga Chinese nationals at iba pang dayuhan lalo na sa bayan ng Pinukpok na matatagpuan ang Chico River Pump Irrigation Project mga Chinese ang mga contractor.

-- ADVERTISEMENT --

Tampok sa 25th Anniversary ng Kalinga ang “Awong chi gangsa” at “agton chi banga”.

Sinabi ni Mercado na target nilang maitala sa Guiness World Records ang Kalinga na may pinakamaraming tutugtog ng gong.

Ayon sa kanya, sisikapin nilang mahigitan ang 1,900 na gong players nitong nakalipas na taon.

Bukod dito, sinabi niya na marami rin ang nagkumpirma na mga pot dancers na lalahok para naman sa “agton chi banga”.

ang tinig ni Mercado