TUGUEGARAO CITY-May isa nang naitalang patient under investigation (PUI) kaugnay sa novel coronavirus ang lalawigan ng Kalinga.

Ayon sa Provincial Health Office na ang PUI ay isang 29-anyos na babae na bumiyahe sa bansang apektado ng Covid 19 at nakaranas ito ng flu-like symptoms.

Sa ngayon naka-quarantine ang PUI sa isang district ospital at maayos na umano ang kondisyon.

Naka-self-quarantine naman ang mga nakasalamuha ng PUI na hindi naman nakitaan sintomas ng naturang infectious disease.

-- ADVERTISEMENT --