Tugeugarao City- Umakyat na sa 19 ang infected ng B.1.1.7 o UK Variant sa Probinsya ng Kalinga matapos madagdagan ito ng siyam (9) na kaso.
Sa panayam kay Edward Tandingan Provincial Health Officer, patuloy ang back tracing ng kanilang hanay upang matukoy ang mga nakasalamuha at travel history ng mga pasyente at malaman kung saan nahawaan ng virus.
Ayon kay Tandingan, recovered na ngayon ang karamihan sa mga pasyenteng nagpositibo sa UK variant habang patuloy naman ang contact tracing sa mga primary contact ng mga bagong nagpositibo sa sakit.
Nabatid na mula sa siyam na bagong kaso ay apat ang mula sa Tabuk City, dalawa sa Lubuagan at tig-isa sa Pasil, Tanudan at Rizal.
Samantala, sa huling datos ng PHO Kalinga ay umabot na sa 95% o 4,346 ang recovered mula sa kauuang 4,586 na tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay 176 ang active cases at nasa 1.4% na katumbas ng 64 indibidwal ang nasawi.
Gayonman, sinabi ni Tandingan na nasa safe zone status pa rin ang hospital bed occupancy rate sa Kalinga.