TUGUEGARAO CITY- Nakaalerto ngayon ang Kalinga Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (KPDRRMO) sa kanilang monitoring kaugnay pa rin sa epekto ng bagyong Carina sa lalawigan.
Sinabi ni Harvey Callilung ng Kalinga PDRRMO na bagamat nakapagtala ng pagguho ng lupa sa bahagi ng Pasil ay managable naman ang sitwasyon.
Aniya, nakipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa DPWH Kalinga para sa clearing operation sa lugar.
Sa ngayon ay wala rin aniyang mga residenteng inilikas sa mga evacuation center na itinalaga sa kanilang lalawigan.
Normal din ayon sa kanya ang flood level sa mga tulay at hindi naman inaasahang magdudulot ng pagbaha.
Gayonpaman, tiniyak ni Callilung ang kahandaan ng kanilang hanay upang rumesponde ang mga LGUs na mangangailangan ng tulong sa Probinsya ng Kalinga.