TUGUEGARAO CITY – Magdaragdag ng puwersa ang pambansang pulisya sa Kalinga mula sa Quick Response Team (QRT) bilang paghihigpit sa kanilang security measures at deployment ng mga personnel sa mga polling precints sa midterm elections sa buwan ng Mayo.
Ayon kay Police Col. Russel Balaquit, OIC provincial director ng Kalinga Police Provincial Office (KPPO), labing pito (17) ang natukoy na risk areas sa lalawigan kung saan pinakamarami dito ang bayan ng Lubuagan at Balbalan.
Batay sa joint security control center ng PNP at COMELEC, inilagay sa red category ang bayan ng Lubuagan, orange category ang Balbalan, Pasil at Pinukpuk, Yellow category naman ang bayan ng Rizal habang nasa blue category naman ang Tanudan at Tinglayan.
Mula sa red category ay isinailalim sa hotspot category na orange ang lungsod ng Tabuk
Ang election hotspots ay kinaklase sa apat na kategorya na Green, Yellow, Orange, at Red.
Ang Category Green ay tumutukoy sa mga lugar na walang security at relatively peaceful at orderly.
Nasa Category Yellow naman ang mga lugar na may kasaysayan ng election related violence o may matinding partisan political rivalry.
Ang Category Orange ay ang mga lugar na bukod sa taglay ang mga katangian ng Category Yellow, ay mayroon ding mga seryosong banta mula sa domestic terror groups at mga katulad nito.
Samantala, ang Category Red ay binubuo ng mga lugar na bukod sa taglay ang mga bagay sa Category Orange ay idineklarang may umiiral na mga kondisyon na maaaring maging batayan para isailalim sa Comelec control.
Kaugnay nito, nagsasanay na ang ilanag PNP personnel sa operasyon ng Vote Counting Ma cine at iba pang proseso ng automated election system upang magsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEI).