
Nakahanda na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga sa state visit ng kinatawan ng Vatican na si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa Tabuk City sa Hunyo 1–2, ngayong taon.
Dadalo siya sa ordinasyon at installation ni Rev. Fr. Shana Mejia bilang bagong Apostolic Vicariate.
Ayon kay Gov James Eduba, kasama sa mga paghahanda ang seguridad, tirahan, at koordinasyon sa ibat ibang ahensya.
Sinabi ng Gubernador na mahalaga ang kaganapan upang ipakita ang ligtas at payapang kalagayan ng Kalinga na idineklara nang insurgency free at palakasin ang turismo at pamumuhunan sa lalawigan.
Gagawaran din si Archbp. Brown ng parangal bilang “Adopted Son of Kalinga”.
Inaasahang dadalo ang mga obispo, pari, at mga panauhin mula sa bansa at ibang bansa.




