TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang Kalinga Police Provincial Office (KPPO) na tuluyan nang maideklarang drug cleared ang sampung barangay na nanatiling apektado ng illigal na droga sa naturang probinsya bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pcol. Davy Vicente Limmong, Director ng Kalinga-PNP, mula sa 153 na barangay na apektado ng
droga ay sampu na lamang ang kasalukuyan nilang tinututukan.

Aniya, bukod sa mga marijuana na kanilang patuloy na nililinis ay nagkakaroon din ng problema sa mga
residente o mamayan na patuloy na gumagamit at nagbebenta ng illigal na droga.

Hinala ni Limmong, may mga buyer pa rin na nakikipag-usap sa ibang mamamayan kung kaya’t mayroon pa
ring na-eenganyo na magtanim ng marijuana.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang operasyon ng PNP kung saan milyon ang halaga ng kanilang
binubunot at sinusunog na marijuana.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpasalamat naman ang director sa mga miembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC)sa kanilang
suporta para tuluyang labanan at wakasan ang illegal na droga sa nasabing probinsya.