TUGUEGARAO CITY- Kinumpirma ng Veterinay Office sa Kalinga na may ilang baboy na ang namatay sa lalawigan.

Gayonman,sinabi ni Mariano Dunwan, veterinarian ng Kalinga na wala pang kumpirmasyon kung ang mga namatay na baboy kabilang ang ilang native pigs ay dahil sa African Swine Fever o ASF.

Sinabi ni Dunwan na wala pang resulta ng blood samples na kinuha sa mga namatay na baboy na dinala sa Department of Agriculture sa Cordillera Administrative Region para sa pagsusuri.

Dahil dito, sinabi niya na masyado pang maaga para sabihin na ASF ang dahilan ng pagkamatay ng mga nasabing baboy.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Dunwan na nagpatupad na rin sila ng ban sa mga pork at pork products tulad ng mga hotdogs at tocino upang matiyak na walang makakapasok na ASF sa Kalinga.

Bukod dito, naglatag na rin sila ng mga checkpoints laban sa ASF.