Itinalaga ni Pope Francis si Kalookan Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David, presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines bilang isa sa mga bagong cardinals ng Catholic Church.
Sa isang video na ibinahagi ng CBCP news, inanunsiyo ni Pope Francis kahapon ang ang 21 bagong cardinals, kabilang si David.
Sinabi ni ng Papa na tutulong ang mga bagong cardinals bilang Bishop of Rome.
Inihayag din ni Pope Francis na ang seremonya para sa mga bagong appointees, na tinatawag na consistory, ay isasagawa sa December 8.
Ang nasabing consistory ay magiging ika-10 na isasagawa ni Pope Francis buhat nang kanyang pagkakapili 11 taon na ang nakalilipas.
Noong 2021, napili si David bilang presidente ng CBCP.
Kilala rin siya na kritiko ng war on drugs ng Duterte administration.