Nasa 70% na ang natatapos sa konstruksyon ng karagdagang 1.50KM road project na magdudugtong sa mga komunidad ng Agta at plantasyon ng mga prutas sa bayan ng Abulug.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P22M na sinimulan noong Disyembre 2020, bilang karagdagan sa kalsada na ginawa noong 2019 at pinondohan sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act (GAA) ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Magkakaloob din ng mas mahusay na koneksyon ang konstruksyon ng kalsada para sa katutubong komunidad upang ma-access ang pangunahing kalusugan at mga serbisyong panlipunan ng gobyerno at mga pribadong organisasyon.

Mapapabilis rin nito ang pagdadala ng Agta Community sa kanilang mga produkto sa merkado.