TUGUEGARAO CITY-Binuksan na para sa lahat ng uri ng sasakyan ang kalsada sa bayan ng Sta Praxedes, Cagayan partikular sa Barangay San Juan na papalabas at papasok sa Ilocos Region matapos ang ilang araw na pagsasaayos kasunod ng mga naitalang landslide at pagbitak ng lupa dahil sa amihan at bagyong Tisoy.
Ayon kay Villamin Lizardo , Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng sta Praxedes, gumawa ng detour ang mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH)- Region 2 habang inaayos ang nabitak na kalsada sa lugar.
Aniya, gumanda na rin ang panahon sa lugar kung kaya’t binuksan ang ginawang detour nitong araw ng Biyernes sa lahat ng uri ng sasakyan.
Sakabila nito, pinayuhan pa rin ni Lizardo ang mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho dahil may ilang bahagi ng kalsada na maputik at madulas.