TUGUEGARAO CITY-Gumuho ang bato sa bahagi ng ambaguio sa lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil sa pag-ulan na dala ng bagyong Ambo kaninang umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Robert Corpuz, head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC-Nueva Vizcaya naganap ang rockslide sa Sitio Daclig sa Brgy. Poblacion.
Dahil dito, pansamantalang isinara ang kalsada sa mga motorista.
Nagsasagawa na ng clearing operations ang Department of Public Works and Highways District Engineering Office katuwang ang Philippine National Police at local disaster risk reduction management office.
Ayon kay Corpuz na kasinglaki ng tricycle ang mga gumuhong bato sa provincial road na papasok sa bayan ng Ambaguio.
Sa lalawigan naman ng Quirino, sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang san pedro overflow bridge sa Brgy. Maddela matapos umapaw ang ilog sa tulay. with reports from Bombo Marvin Cangcang