Tiniyak ni House Secretary General Reginald Velasco na nakahanda na ang Kamara para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa isinagawang SONA inter-agency meeting sa Palasyo ng Malakanyang, inihayag ni Velasco ang mga isinagawang renovations sa Kamara para ma-accomodate ang mga partners mula sa Office of the President (OP) at Senado.

Nagpasalamat naman si Senate Secretary Renato Bantug sa House of Representatives sa mga paghahanda nila para sa nasabing event.

Tinanong naman ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Honey Rose Mercado ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga detalye ukol sa traffic rerouting plan ng sa gayon mabigyan na ng advisory ang publiko upang makapaghanda na para sa mga gagawing adjustments sa araw ng SONA.

Iniulat din ng Philippine National Police (PNP) na nasa 22,00 na mga police personnel ang kanilang idedeploy sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsagawa na rin ng initial walk-through para sa SONA scenario mula sa pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr hanggang sa kaniyang talumpati.

Nakatakda sa July 15, 2024 ang final meeting para sa paghahanda sa SONA 2024.