Aabot sa 40-50 crates ang itinapong kamatis sa Brgy.Masoc Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ayon kay Engr.Gilbert Cumila manager ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT), ang nasabing mga kamatis ay pinaniniwalaang hindi minsanan itinapon ngunit naipon lamang.
Maaari umanong umabot ng tatlo hanggang apat na gabi ang kamatis na di naibenta sa NVAT.
Isa aniya sa nakikitang dahilan ng pagtatapon ng kamatis sa nasabing lugar ay dahil na rin sa marunong pumili ang mga buyer at mas pinipili nila ang magandang kalidad nito dahil alam rin nila kung mabilis itong masira.
Bukod dito ay madalas rin aniyang tapunan ng mga iba’t ibang gulay ang nasabing lugar na kung saan hindi naibenta ng mga magsasaka mula sa NVAT na pabalik na sana ng Ambaguio.
Bagama’t dumarami ang harvest ngayong September kumpara noong nakaraang buwan ng June, July at August ay wala namang nangyayaring oversupply sa NVAT dahil hindi pa bumababa ang presyo ng mga ito.
Sa ngayon ay nasa P25-P30 ang presyuhan ng kamatis habang P12 kada kilo naman ang production cost nito.