Pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang kampanya kontra sa “pay-for-position” o pagbili ng puwesto.
Sa isang pahayag, iginiit ng DepEd na lahat ng appointment at promosyon ay dapat nakabatay lamang sa merito at kakayahan.
Nagbabala ang DepEd na ang pagbibigay o pagtanggap ng pera kapalit ng trabaho o promosyon ay isang mabigat na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) na may katumbas na parusang administratibo, sibil, at kriminal.
Hinikayat ng ahensya ang mga nabiktima o may nalalamang kaso na agad itong i-report sa DepEd, NBI, o PNP. Tiniyak din na mananatiling kumpidensyal ang mga ulat at protektado ang mga whistleblower.