TUGUEGARAO CITY- Umasa pa rin ang Constitutional Committee na tatalakayin sa kongreso ang “Bayanihan Constitution” o ang bagong saligang batas na binuo ng komite.

Ito ay sa kabila na hindi binanggit o tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address ang tungkol sa federalism at charter change.

Sinabi ni Atty. Lawrence Wacnang, dating miembro ng CONCOM na maaaring dahil sa maraming pinagkakaabalahan ang pangulo kaya hindi nito nabanggit ang federalism sa kanyang SONA.

Naniniwala siya na hindi ito ito nakalimutan ng pangulo dahil isa sa nais niyang iwan na legacy bilang pangulong ng bansa.

ang tinig ni Wacnang

Kaugnay nito, sinabi ni Wacnang na tuloy ang kanilang pagpapakilala sa binuo nilang bagong saligang batas at sa federalism upang mas lalong maintindihan ito ng mga mamamayan.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, sinabi niya na dapat na din na manggaling ang inisyatiba sa pagpapalakas sa nasabing panukala ang mga nasa kanayunan o mahihirap na mga lugar dahil sila ang higit na makikinabang dito.

muli si Wacnang