Pinaigting ng Bureau of Fire Protection (BFP) Region 2, katuwang ang mga ospital at iba pang ahensya, ang kampanya sa firecracker safety habang papalapit ang Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ayon kay FSUPT. Marjorie Jenna Aggabao, Chief ng Fire Safety Enforcement Division, BFP-2, pangunahing tungkulin ng BFP ang fire prevention, fire code enforcement, disaster response, at fire suppression.

Kabilang dito ang inspeksyon sa mga nagbebenta ng paputok upang masiguro ang pagsunod sa RA 7183, na nagreregula sa paputok at pyrotechnic devices.

Ipinagbabawal ang mga firecracker na may higit sa 0.2 grams pulbura, may fuse na mas mabilis sa 3 segundo o mas mabagal sa 6 segundo, pati na rin ang mga imported na paputok tulad ng Matusi at Piccolo, at mga locally made firecrackers na walang permit.

Kapag may paglabag, agad itong nire-report sa PNP para sa kumpiskasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang BFP sa publiko na sumunod sa batas at gumamit lamang ng pinapayagang paputok upang masiguro ang ligtas at mapayapang pagsalubong sa Bagong Taon.