Kinuwestion ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa pamamagitan ng opisyal na dokumentong isinumite kahapon.
Nilagdaan ng mga abogado ni Duterte na sina Nicholas Kaufman at Dr. Dov Jacobs ang nasabing mga dokumento.
Iginiit ng dalawa na walang bisa ang imbestigasyon ng ICC dahil umatras na ang Pilipinas sa Rome Statute noon pang Marso 2019.
Iginiit nilang walang bisa ang pag-apruba ng ICC sa imbestigasyon noong 2021 dahil lumampas na ito sa panahong saklaw ng hurisdiksyon.
Si Duterte ay nakakulong ngayon sa The Hague matapos maaresto noong Marso 11 dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga extrajudicial killing sa giyera kontra droga.
Nakatakda ang confirmation of charges sa Setyembre 23, 2025.