Hiniling ng depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na payagan silang idagdag ang 78 items sa kanilang listahan ng ebidensya para sa hearing sa confirmation of charges.

Sa request na inihain sa ICC Pre-Trial Chamber 1 na may petsang Pebrero 6, 2026, sinabi ng kampo ni Duterte na ang mga karagdagang item ay “highly relevant” at kinakailangan para sa makabuluhang depensa sa darating na hearing sa Pebrero 23, 2026.

Ito ay kasunod ng paglalantad ng prosekusyon ng 1,242 item na maaaring exculpatory o mahalaga sa paghahanda ng depensa.

Sinabi ng depensa na wala itong magiging “prejudice” sa prosekusyon at ang pagdagdag ng ebidensya ay makakatulong sa patas na paglilitis.

Dagdag pa nila, nakasaad sa rule ang pagsusumite ng ganitong kahilingan 15 araw bago ang hearing at ang bilang ng karagdagang item ay “modest.”

-- ADVERTISEMENT --