Inaasahang magsusumite ngayong Hunyo 1 ng kanilang tugon sa Senado ang kampo ni Sara Duterte kaugnay ng mga artikulo ng impeachment na isinampa laban sa kanya.

Ayon kay abogado Michael Poa, isa sa mga legal counsel ng Bise Presidente, hindi pa tiyak kung personal nilang ihahain ang kanilang sagot o ipadadala ito sa pamamagitan ng email.

Batay sa abiso ng Senado, hanggang alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi lamang ng Hunyo 1 maaaring isumite ni Duterte ang kanyang opisyal na tugon sa impeachment articles.

Samantala, pinabulaanan ni Alan Peter Cayetano ang mga haka-hakang may kaugnayan sa impeachment trial ang panukalang payagan ang mga senador na lumahok o bumoto nang online. Aniya, naaprubahan na ang mga tuntunin para sa impeachment at anumang pagbabago rito ay mangangailangan pa ng panibagong publikasyon.

Nakatakdang magsimula ang impeachment trial sa Hulyo 6, dahilan upang higpitan ang seguridad sa Senado sa pakikipag-ugnayan ng National Capital Region Police Office o National Capital Region Police Office sa Office of the Sergeant-at-Arms.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo, sa ngayon ay mga pulis pa lamang ang idinedeploy sa paligid ng Senado upang matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at kaayusan sakaling magkaroon ng mga pagtitipon o kilos-protesta habang papalapit ang paglilitis.