Nanawagan sa pamahalaan ang political support group na Kapatid na ilipat si dating senator Ramon Bong Revilla Jr. sa isang ordinaryong selda at itigil ang pagkakaloob sa kanya ng “VIP treatment.”

Binigyang-diin ng grupo na ang kasalukuyang kulungan ni Revilla ay maghahatid ng “dangerous signal” na yumuyuko ang batas para sa mga makapangyarihan.

Una rito, sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ikukulong si Revilla sa 47-square-meter facility na para sa 10 detainees, na may sariling palikuran.

Habang iginiit ng BJMP na walang ibinibigay na special treatment Revilla, ikinumpara ng Kapatid ang sitwasyon ng kulungan ng dating senador sa siksikan at hindi makataong kundisyon ng ibang persons deprived of liberty.

Kasabay nito, iginiit ng Kapatid ang kanilang panawagan para sa mas maayos na kundisyon ng mga PDLs, kung saan ipinunto na ang congestion sa mga bilangguan sa bansa ay lampas sa 300 percent.

-- ADVERTISEMENT --

Maalala na kusang sumuko si Revilla sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection group dahil sa kaso may kaugnay sa ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.