Dumating na sa The Hague, Netherlands ang kapatid na babae ng dalawang extrajudicial killings sa nakalipas na Duterte administration para paghandaan ang kanyang aplikasyon para makibahagi sa paglilitis kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Mira, napagkamalan ang kanyang dalawang kapatid na sangkot sa iligal na droga at inakusahan na gumanti sa mga awtoridad sa isang police operation noong May 2017.
Binigyang-diin niya na nais niyang patunayan na talagang may mga biktima, at marami sila, at nais din niyang patunayan na marami sa mga biktima ang takot na magsalita.
Base sa 16 na pahinang dokumento na isinumite ng ICC registry sa Pre-Trial Chamber I, tinukoy na nagkaroon na sila ng tatlong konsultasyon sa mahigit 200 na kinatawan ng mahigit 2,000 EJK victims at mahigit 1,500 na pamilya.
Ayon sa ICC ang mga konsultasyon ay hindi tungkol sa kaso ni Duterte sa umano’y crimes against humanity.
Sinabi ni ICC spokesperson Fadi El Abdallah, kung mayroon silang imbestigasyon tungkol sa isang conflict o sa isang lugar tulad sa Pilipinas, nakikipag-ugnayan na sila sa media at mga biktima, at naghahanda na sila kung sakali na magkaroon ng kaso.
Idinagdag pa ni Abdallah na hindi lahat ng mga biktima ay maikokonsidera na mga testigo.
Ayon sa kanya, hindi nila inaasahan na maraming testigo ang maipiprisinta sa confirmation of charges sa buwan ng Setyembre.
Kasabay nito, tiniyak ni Abdallah na magiging confidential ang pagkakakilanlan ng mga biktima.