TUGUEGARAO CITY-Inihayag ni Ruperto Maribbay, director ng Department of Interior and Local Government o DILG sa Cagayan na hindi makakamit ang pag-unlad kung walang pangmatagalang kapayapaan.

Sinabi ito ni Maribbay sa kanyang talumpati sa 24th anniversary ng Police Community Relations sa Cagayan Police Provincial Office na may temang “Sambayanan,mahalagang kaakibat ng kapulisan sa pagtataguyod ng mapayapa at maunland na bayan”.

Binigyan diin ni Maribbay na hindi lamang tungkulin ng pamahalaan, nga law enforcers gaya ng PNP ang pagkamit ng kapayapaan sa halip ay responsibilidad ng bawat mamamayan.

Partikular na tinukoy ni Maribbay na kailangan na mawakasan ay ang insurgency o ang armadong pakikipaglaban ng mga rebeldeng grupo.

Vc maribbay july 2

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Governor Manuel Mamba na siya namang panauhing pandangal sa Police Regional Office 2 na balak umano niyang ide-militarized ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan.

Sinabi niya na sinimulan na umano niyang maglagay ng mga retiradong personnel ng AFP at PNP para sa maayos at sistematiko ang pamahalaang panlalawigan.

Pabiro pang hinikayat ni Mamba ang mga malapit nang magretiro na PNP at Afp officials na punan ang ilang posisyon sa pamahalaang panlalawigan.

Kasabay nito,sinabi ni Mamba na mahalaga na malabanan at mawakasan na ang insurgency sa lalawigan dahil ito umano ang dahilan kaya nananatiling isa sa pinakamahirap na lalawigan sa norte ang Cagayan.