TUGUEGARAO CITY- Naniniwala ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP na kapayapaan ang susi sa pag-angat ng isang bansa.

Sinabi ni OPAPP Secretary General Carlito Galvez Jr., habang nananatili ang insurgency at terorismo sa ating bansa ay matatakot din ang mga investors na mamuhunan.

Inihalimbawa ni Galvez ang Malaysia na patuloy na umaangat ang kanilang ekonomiya matapos na maresolba ang problema sa terorismo at insurgency.

Sinabi ni Galvez na kung magagawa ito sa ating bansa ay tiyak na aangat din ang credit rating ng bansa mula sa triple BBB+++ sa A+ rating.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinig ni Galvez

Dahil dito, sinabi ni Galvez na ito ang dahilan kaya binigyan sila ng ultimatum ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang mga nasabing problema bago matapos ang kanyang termino.

Kasabay nito, sinabi ni Galvez na isa sa kanilang nakikitang paraan upang malabanan ang insurgency sa bansa ay ang pagkakaroon ng mga proyekto at mga programa para sa mga mamamayan para matugunan ang kahirapan na isa sa ugat ng kaguluhan.

Ayon sa kanya, bukod kasi sa mga ipinaglalabang mga ideology ng ilang indibidual o grupo na dahilan ng armadong pakikipaglaban ay ang hindi magandang social condition sa isang pamayanan.

muli si Galvez