TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ni Marita Micua,punong barangay ng Namabbalan Sur,Tuguegarao City na hindi pinalitan ang petsa ng pagdiriwang ng kapistahan ng kanilang barangay sa halip ay ibinalik lang sa orihinal na petsa ng selebrasyon.
Sinabi ni Micua na mula sa May 27 at 28 ay sa August 27 at 28 na ang kapistahan ng kanilang barangay.
Ayon kay Micua na dapat na sa August 28 ang kanilang kapistahan dahil sa petsang ito namatay ang kanilang patron na si San Agustin.
Sinabi niya na inilipat lamang umano ng kanilang mga ninuno ang petsa ng kapistahan sa Mayo dahil sa maulan umano ang panahon ng Agosto.
Idinagdag pa ni Micua na inaprubahan sa barangay council ang nasabing panukala at nagkaroon din sila ng public consultation sa kanilang mga constituents.