TUGUEGARAO CITY-Ginawang simple at makabuluhan ang dalawang araw na kapistahan ng “Our lady of Piat” kung saan pagsisimba at pagdarasal lamang ang ginawa ng mga residente sa naturang bayan.
Ayon kay mayor Carmelo Villacete ng Piat, tiniyak ng simbahan maging ang Local government unit (LGU)-Piat at mga uniformed personnel na masunod ang mga alituntunin na nakasaaad sa Modified general community quarantine (MGCQ) bilang pag-iingat sa covid-19.
Aniya, limitado lamang sa 100 deboto ang pinapapasok sa loob ng simbahan sa bawat misa.
Sinabi pa ng alkalde na mayroong tig-20 minuto na pagitan para bigyang daan ang paglilinis at pagdi- disinfect sa loob ng simbahan pagkatapos ng isang misa.
Hindi rin pinayagan ang mga nagbebenta sa harap ng simbahan para maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga tao.
Inihayag pa ng alkalde na bagamat mayroong mga deboto na galing sa ibang lugar ay mahigpit ang naging koordinasyon sa LGU para matiyak na hindi galing sa lugar na mayroong mataas na bilang ng positibo virus.