Pinagbabaril-patay ang isang barangay chairman sa Datu Salibo, Maguindanao del Sur pagkatapos ang kanyang pagdadasal sa kanilang bahay.

Dinala pa sa pagamutan si Barangay Sambulawan, Datu Salibo Chairman Kameran Abubakar, subalit binawian din siya ng buhay.

Ayon sa mga otoridad, katatapos lamang ng biktima ang Jumu’ah o Friday Prayer nang pagbabarilin siya ng hindi pa nakikilalang gunman sa balkonahe ng kanyang bahay.

Sinabi ng pulisya na hindi naman kandidato ang kapitan sa halalan ngayong taon, at wala din umano siyang natanggap na mga pagbabanta sa kanyang buhay.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa nasabing krimen.

-- ADVERTISEMENT --