Photo credits to Baggao MPS

TUGUEGARAO CITY-Kulong ang isang kapitan sa bayan ng Baggao matapos makumpiskahan ng granada, iba’t-ibang klase ng baril at bala na walang kaukulang dokumento.

Una rito, hinalughog ang bahay ng suspek na si Ruben Salvador, 52-anyos at kasalukuyang kapitan ng Brgy. Agaman sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang mortar, isang hand grenade, isang improvised shotgun , isang calibre 38 revolver na kargado ng tatlong bala, limang bala ng calibre 45 , isang bala ng 7.62 mm at ilang mga dokumento.

Dahil dito, nahaharap ang kapitan sa kasong paglabag sa R.A 9516 o Illegal possession of explosives at R.A 10591 o Illegal Possession of fire arms.

Nabatid na supporter din ng Communist Terrorist Group ang kapitan kung saan siya’y nagbibigay ng pagkain at iba pang supply sa mga rebelde.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa sa PNP-Baggao, maging ang ilang miembro ng konseho sa nasabing Brgy. ay sinusuportahan din umano ang adbokasiya ng mga rebelde sa pamamagitan ng pagpayag sa barangay bilang kanlungan at venue sa mga aktibidad ng mga makakaliwang grupo.

Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang kapitan maging ang mga nakumpiskang gamit para sa kaukulang disposiyon.