Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na inaasahang maglalabas ng mas maraming arrest warrant sa loob ng susunod na dalawang linggo laban sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects.

Ayon sa opisina, walang itinakdang deadline sa proseso ngunit tinitiyak na sinusunod ang tamang legal na pamamaraan upang mapangalagaan ang karapatan ng mga suspek.

Samantala, ilang dating at kasalukuyang opisyal ng gobyerno, kabilang ang ilang senador, ay kasalukuyang iniimbestigahan kaugnay ng nasabing iskandalo.
Kabilang sa mga ito ang dating Senador Bong Revilla at iba pang mga opisyal na posibleng sangkot sa bribery, korapsyon, plunder, at iba pang administratibong paglabag.

Ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay nagbigay ng rekomendasyon sa Ombudsman para sa pagsampa ng kaso laban sa mga pangunahing personalidad sa flood control fiasco.

Para sa ilan pang mga senador, kailangan pa ng karagdagang ebidensya at testigo upang masimulan ang legal na proseso laban sa kanila.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Ombudsman, ang imbestigasyon ay nagpapatuloy at malaking tulong ang impormasyon at kumpirmasyon mula sa ICI sa pagpapatibay ng kaso.

Lahat ng nabanggit ng komisyon ay kasalukuyang isinailalim sa imbestigasyon.