Hindi dapat pinatatahimik o tinatakot ang mga estudyante na naninindigan para papanagutin ang mga korap at nananawagan ng mabuting pamamahala sa gobyerno.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), wala itong nakikitang masama sa paglahok sa rally basta’t ito ay isinasagawa sa ilalim ng batas.

Dagdag ng CHED, dapat igalang ang paninindigan ng mga kabataan dahil umaalinsunod ito sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nirerespeto niya ang mga saloobin ng mga nagkilos-protesta sa Luneta Park, EDSA at sa mga probinsya.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng CHED ang mga estudyante na maging mapanuri at labanan ang disinformation.

Nilinaw rin ng ahensya na hindi nito inuutusan ang sinuman na dumalo sa mga rally, dahil ito ay personal na desisyon ng bawat estudyante.

-- ADVERTISEMENT --

Tiwala naman ang Higher Education Institutions (HEIs) sa kapulisan na poprotektahan ang kanilang mga mag-aaral habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin.