Nananawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga miyembro ng Indo-Pacific region na magkaisa at manindigan laban sa mga lumalabag sa International rules-based orders sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sa talumpati ng Pangulong Marcos sa ika-21st International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue na ginanap sa Singapore, pina-alalahan ni Pangulong Marcos ang mga bansa na bahagi ng Indo-Pacific na hindi ang mga ito na tagamasid sa mga kaganapan sa mundo.

Ipinunto ng Punong Ehekutibo na dapat lampasan ang geopolitics, humanap ng common ground, magtrabaho para palakasin ang mga pandaigdigang institusyon.

Dagdag pa ng Pangulo, nangangailangan din ng aktibong pamumuno sa mga panggitnang kapangyarihan, na may kakayahang tugunan ang mga isyung pampulitika at ideological lines, magkaroon ng tunay na pinagkasunduan, at manguna sa mga mapagkakatiwalaang pagsisikap tungo sa mapagpasyang multilateral na mga solusyon.

Gumawa ng kasaysayan si Pangulong Marcos bilang unang lider ng Pilipinas na nagbigay ng talumpati sa IISS Shangri-La Dialogue, ang nangungunang defense and security conference sa Asia-Pacific region.

-- ADVERTISEMENT --