Maaari nang kumuha ang mga kasambahay na nagtatrabaho sa Tuguegarao City at sa mga indibidwal na kasalukuyang ng atensyong medikal at treatment ng PASS sa opisina ng alkalde ng lungsod.

Batay sa guidelines ng COVID-19 Inter-Agency Task Force ng LGU-Tuguegarao, ang kasambahay at medical pass ay maaaring magamit sa lungsod ng higit sa tatlong oras sa isang araw.

Ang Kasambahay Pass ay para sa mga domestic helper na ang employment ay live-in o live-out sa bahay ng kanilang employer sa lungsod na maaring gamitin kung sila ay papasok at uuwi galing sa kanilang trabaho o may mahalagang gawain sa labas.

Kailangan lamang na makakuha ng Certificate of Employment ang isang kasambahay sa kanyang employer at nakasaad doon kung ito ay live-out o live-in na manggagawa.

Iniisyu naman ang Medical Pass para sa mga residente ng lungsod na sumasailalim sa medical consultation at treatment gaya ng dialysis at sa mga buntis para sa pagpunta sa kanilang OB-Gyne.

-- ADVERTISEMENT --

Kailangan lamang na ipakita ang medical certificate o scheduled check up form mula sa OB-Gyne o doktor upang makakuha ng medical pass.

Ang naturang mga PASS ay iniisyu lamang sa opisina ng alkalde ng lungsod mula Lunes hanggang Biyernes sa oras na alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.