Arestado ang isang 24-anyos na kasambahay matapos tangayin at ipatubos ng P150,000 ang tatlong-taong-gulang na anak ng kaniyang amo sa Quezon City.
Ayon sa pulisya, Linggo ng gabi nang sabihing kukuha lamang ng gamot ang suspek, pero hindi na ito bumalik kasama ang bata.
Sa imbestigasyon ng Masambong Police Station, halos dalawang taon nang nagtatrabaho ang suspek sa pamilya kaya malaki ang tiwala sa kanya.
Kalaunan, nakatanggap ng ransom demand ang pamilya kaya agad nagsagawa ng operasyon sa Fernando Poe Jr. Avenue kung saan naaresto ang suspek at nasagip ang bata.
Nakuha rin ang bag na naglalaman ng perang ginamit sa entrapment.
Inamin ng suspek ang krimen, na ginawa umano niya dahil sa matinding pangangailangan matapos maoperahan at mabaon sa utang.
Nahaharap siya sa kasong kidnapping for ransom sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code.