Tuguegarao City- Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang isang miyembro ng NPA sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Ayon sa 5th Iinfantry Divisio Philippine Army, kinilala ang nagbalik loob na si Alyas “Ka Lito” na nirecruit ng “Ka Rod at Shioli” noong buwan ng Marso ngayong taon.

Kaugnay nito ay narekober naman ng mga otoridad ang ilang mga kagamitan ng mga makakaliwang grupo kabilang ang hand held radio, isang rolyo ng water hose, kable ng kuryente at iba pa.

Pinaniniwalaang ang mga ito ay pagmamay-ari ng mga miyembro ng regional sentro de grabidad komiting rehiyong Cagayan Valley.

Kasunod ito ng pagsuplong ni ka Lito sa mga gamit na itinago ng mga miyembro ng rebeldeng grupo.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na kusa siyang nagbalik loob sa pamahalaan matapos ang hirap ng buhay sa kabundukan at maganda naman ang suporta at tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa mga nagbabalik loob.