
Inihayag ng palasyo na dinismiss na ng gobyerno ng Qatar ang kaso laban sa 17 OFWs na nahuli dahil sa kasong illegal assembly.
Sinabi ni Palace Press Officer USec Claire Castro na nakipag-ugnayan kaninang umaga si President Marcos Jr. kay Qatari Ambassador Ahmed bin Saad Al-Homidi kung saan ayon kay Al- Homidi, dinismiss na ng mga awtoridad ng Qatar ang kaso laban sa mga nahuling OFWs noong Marso 27 dahil sa hindi otorisadong demonstrasyon.
Noong nakaraang linggo, iniulat ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nabigyan ng provisional release ang mga OFWs.
Ang aksyon ng DMW ay ayon na rin sa utos ni Pangulong Marcos na tulungan ang mga OFW na makalaya.