Tuguegarao City- Kinumpirma ng Cagayan Provincial Health Office (CPHO) ang pagbaba ng porsyento ng naitatalang kaso ng Dengue sa Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Carlos Cortina, Provincial Health Officer, bagamat bumaba ang bilang ng naitatalang kaso ng sakit na dengue ay nangunguna pa rin sa bilang ang lungsod ng Tuguegarao na sinusundan ng Camalaniugan, Aparri at Solana.

Sinabi pa ni Dr. Cortina na noong Enero-Pebrero 2019 ay nakapagtala ng 1,425 na kaso ng dengue at may 13 fatality rate habang sa kaparehong buwan ngayong taon ay mayroon lamang 35 na kaso ang naitala at walang namatay.

Giit ng Doctor, kung pag-aaralan ang trend ay ang seasonal wave ng mosquito born diseases ang dahilan ng pagbaba ng kaso ng dengue sa Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, paalala nito na panatilihin ang kalinisan at sumunod sa mga health precautionary measures upang makaiwas sa dengue maging sa lumalaganap na 2019-novel coronavirus.