Umaabot na sa 247 ang naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Cagayan mula Enero hanggang Pebrero 20, 2026.

Kaugnay nito, sinabi ni Nestor Santiago ng Provincial Epidemiology Unit ng Provincial Health Office na ito ay mas mababa sa kaso na naitala noong 2025 na umabot sa 286.

Ang Santa Ana ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso habang sumunod naman ang Tuguegarao City.

Sinabi ni Santiago na sa kabila ng pagbaba ng kaso ay hindi pa rin sila nagpapakampante dahil sa ang peak ng pagtaas ng kaso ng dengue sa panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Santiago, patuloy ang kanilang ginagawang information dessimination lalo na barangay level para sa pagsasagawa ng regular na clean-up drive.

-- ADVERTISEMENT --