Umakyat na sa 688 ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Cagayan mula Enero 1 hanggang Abril 28, 2025, ayon sa Provincial Health Office (PHO).
Batay sa latest data, nangunguna ang Baggao sa may pinakamaraming kaso na 63, sinundan ng Gonzaga (58), Tuguegarao City (48), Gattaran (43), Abulug (42), at Alcala (38).
Tatlo namang “probable dengue deaths” ang naitala sa Baggao, Pamplona, at Allacapan.
Nilinaw ng PHO na ang mga ito ay hinihinalang sanhi ng dengue ngunit kailangan pa ng pinal na beripikasyon.
Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na sundin ang Search and destroy, Self-protection, Seek early consultation, Support fogging and spraying, at Sustain hydration (5S) kontra dengue upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
-- ADVERTISEMENT --