Mahigit 90, 000 na ang kaso ng dengue na naitatala ng Department of Health ngayong taon.
Batay sa tala ng DOH, umabot na sa 90, 119 ang kaso ng dengue sa bansa nitong July 29 at sa nasabing bilang ay 233 ang namatay.
Idinagdag pa ng DOH na 8, 246 ang naitalang bagong kaso mula July 2 hanggang July 15, mas mataas ng 30 percent kumpara sa 6, 323 na kaso na naiulat mula May 19 hanggang July 1.
Kaugnay nito, nagpapaalala ang DOH sa mga dapat gawin upang makaiwas sa dengue lalo na ngayong nararanasan na ang mga pag-ulan.