TUGUEGATRAO CITY- Patuloy ang pagbaba ng kaso ng dengue dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Sinabi ni Dr.James Guzman, head ng City Health Office, 24 ang kaso ng dengue ngayong Oktubre.
Ayon sa kanya, nitong mga nakalipas na buwan ay marami ang nagka-dengue at ang pinakamataas ay noong buwan ng Agosto na 157.
Sinabi ni Guzman na mula Enero hanggang ngayong Oktubre ay umaabot na sa 760 ang nagka-dengue at sa nasabing bilang ay 13 ang namatay.
Kaugnay nito, sinabi ni Guzman na agad na ipakonsulta ang mga pinaghihinalaan na may dengue upang ito ay maagapan.
Para naman sa mga may pasyente ng dengue na kailangan na saksakan ng dugo ay maghanap ng donors dahil kailangan ang fresh blood dahil mas mas marami itong platelet.
Payo din ni Guzman na painumin lang ng maraming tubig ang pasyente ng dengue.
Kasabay nito, ipinaalala ni Guzman na ang higit pa rin na dapat gawin upang makaiwas sa dengue ay paglilinis sa kapaligiran at sa mga pinamumugaran ng mga lamok.