Masusing pinag-aaralan ngayon ng mga health expert ang bagong ‘flurona disease’ na natuklasan sa matapos magpositibo sa naturang sakit ang isang local resident sa bansang Israel.

Ayon kay Geoffrey Salming Olayan, OFW sa nasabing bansa, madalas na nagkakaroon ng flu sa Israel tuwing winter season kaya’t lahat ng mga residente ay mandatory sa pagpapabakuna ng flu vaccine ngunit ngayon ay labis na nangangamba ang ilang mga residente sa banta ng bagong natuklasang sakit.

Gayonman ay sinabi nito na wala pang kumpirmasyon mula sa mga experto kung ang ‘flurona disease’ ay pinagsamang Flu at Coronavirus o panibagong variant ng COVID-19.

Bukod sa isang residente na nakitaan ng sintomas ng ‘flurona disease’ ay wala pang inilalabas na opisyal na datos ang mga otoridad kung ilan ang bilang ng mga apektado ng sakit.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay hindi pa aniya naglalabas ng panibagong restrictions ang gobyerno ng Israel maliban lamang sa paghihigpit ng ilang mga establishimento kung saan hindi pinapapasok ang mga wala pang booster shots ng COVID-19 vaccine.

Saad pa ni Olayan na ang banta ng omicron variant pa rin ang pinangangambahan sa Israel.