Iniulat ng World Health Organization (WHO) na ang Pilipinas ay nahaharap sa isa sa mga fastest-growing HIV epidemics sa Western Pacific Region.

Natalakay ang usaping ito sa ika-76 WHO Regional Committee for the Western Pacific kung saan nagsama-sama ang mga health ministers mula sa 38 mga bansa, mga civil society leaders, at development partners upang labanan ang tumataas na bilang ng HIV.

Mula 2010 hanggang 2024, tumaas ng anim na beses ang bilang ng mga bagong kaso ng HIV infection sa bansa, dahilan para maging isa ito sa mga nakababahalang surge sa rehiyon.

Binigyang-diin ng mga health officials na ang mga kalalakihan na nakikipagtalik sa mga kapwa nila lalaki ang most affected group.

Ayon kay WHO Regional Director for the Western Pacific Dr. Saia Ma’u Piukala, hindi pa natatapos ang HIV.

-- ADVERTISEMENT --

Kailangan umano ng strategic at targeted approach para sa prevention, testing, at paggamot na para sa mga specific outbreaks at apektadong populasyon.

Ang pinakakailangan din umano ay political at shared responsibility para matumbok ang tamang paraan para matugunan ang impeksyon para sa mga tamang tao, at tamang lokasyon.