Nababahala ang pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao sa patuloy na pagdami ng mga nagkakaroon ng HIV sa lungsod.

Sinabi ni Mayor Maila Ting Que, mula January hanggang August ngayong taon ay may naitala ang lungsod na 19 na bagong kaso ng HIV habang 12 naman nitong 2023.

Ayon sa kanya, mula 2015 hanggang 2024 ay umaabot na sa 59 ang positive cases ng HIV sa lungsod.

Idinagdag pa niya na ang pinakabata na nagkaroon ng HIV ay isang 15 years old nitong 2023.

Ayon kay Que, ang pinakamarami sa nasabing bilang ay may kalalakihan.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi ni Que na ito ang kanyang pinatutukan sa health sector dito sa lungsod at ipinag-utos ang pagsasagawa ng mga hakbang at mga programa upang maiwasan na madagdagan pa ang nagkakaroon ng HIV.