Umabot na sa 11 nasawi mula sa 21 katao na kumpirmadong kaso ng sakit na melioidosis ngayong taon sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Dr. Kim Salvador, internal medicine specialists ng Ballesteros District Hospital, nagtutulungan na ang Provincicial Health Office at MHO para sa strict surveillance sa mga suspected cases ng maituturing na re-emerging disease lalot tumaas ang kaso simula ng pagpasok ng tag-ulan nitong buwan ng Agosto.

Naitala ang mga kaso sa bayan ng Camalaniugan at Sta. Ana na may tig-dalawang nasawi habang sa Alcala, Baggao, Buguey, Claveria, Gattaran, Gonzaga, Piat, Sto. NiƱo, Solana, Tuao, at sa lungsod ng Tuguegarao ay nakapagtala ng tig-isang nasawi.

Karamihan aniya sa mga tinamaan ng sakit ay driver, karpintero, vendor, laborer, butcher at magsasaka na may comorbidities gaya ng diabetes, maysakit sa kidney at pneumonia.

Bagamat wala nang kaso sa kasalukuyan na naka-admit sa mga ospital subalit nagbabala si Salvador dahil karaniwang nakukuha ang sakit mula sa bacteria o mga kontaminadong pagkain, tubig o hangin.

-- ADVERTISEMENT --

Karaniwang sintomas nito ay kinabibilangan ng lagnat, pananakit ng ulo, pamamaga, ulceration, pananakit ng dibdib, ubo, at pamamaga ng lymph node.