Tumataas ang bilang ng mga bagong diagnosed ng Advanced HIV Disease (AHD) cases sa bansa.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang advanced HIV disease (AHD) ay ang “CD4 cell count < 200 cells/mm3 o WHO stage 3 o 4 in adults at adolescents.
Ang mga taong may AHD ay may mataas na panganib ng pagkamatay, kahit sinimulan ang antiretroviral therapy (ART) at ang panganib na ito ay tumataas habang bumababa ang CD4 cell count.
Ayon sa Department of Health na ang late diagnosis ang isang dahilan sa pagtaas ng bilang ng naitalang pagkamatay dahil sa HIV, may kabuuang 8,246 buhat noong 1984.
Sinabi ng ahensiya na ang annual fatalities ay patuloy na tumataas mula sa wala pang 100 noong 2011, sa mahigit 400 noong 2015 at umabot sa 879 noong 2022.
Kamaramihan sa mga namatay ay mga kalalakihan na edad 25 hanggang 34, kung saan ang 53 percent sa mga ito ay dahil sa komplikasyon dahil sa pagiging immunocompromised o may AHD.
Mula January hanggang August ngayong taon, may naitalang 464 na namatay dahil sa HIV.
Dalawamput-walo ang naitala nitong nakalipas na buwan ng Agosto.
Ayon sa DOH, ngayong buwan, isa ang namatay sa Cagayan Valley, anim na taon matapos na makitaan na may HIV.
Na-confine ang pasyente sa ospital noong September 9 bilang kumpirmadong kaso ng mpox.
Subalit, sinabi ng DOH na hindi ang mpox ang dahilan ng kanyang pagkamatay.